oo... at nakakaasar, dahil may report kami sa English.
Ginawa ko naman ang irereport sana namin ni Janice, yung characters at isang game. Sana iconsider nila yun. Masama talaga pakiramdam ko, anung magagawa ko? Namimiss ko tuloy sila. Namimiss kaya nila ako?
Ito ang first absence of the year ko. Hindi ko alam kung sinadya ko o di ko sinasadya. Kasi hindi ko pa natapos basahin yung Le Morte d'Arthur kaya cguro nagpaabsent ako para mabasa ko at magawa yung irereport namin. Sana lang natanggap nila. Kinakabahan 2loy ako ngayon. Sana maganda yung reporting, khit na hindi ako nangangarir sa English. Pero natatakot pa rin ako, baka magalit sila sa akin. Sorry na po. Hindi ko sinasadyang magkasakit ako..pero hindi ko alam kung sinasadya ko bang umabsent.
Isa pa eh yung sa Araling Panlipunan 3. Dammit, nakakaasar talaga c Ma'am Palean. Puro reportings. This week hindi dumaan ang isang araw na napawisan ako ng todo sa subject na yun. Dun pa naman ako nageexcel last year. Ayuko na talaga. Nakakaasar kasi bat siya pa yung teacher. Tapos nun may Amkor signature campaign pa.. Binago ko na ang outlook ko, mas gusto ko nga c Ma'am Malapad sa AP kaysa si Ma'am Palean. Mas OK sana kung c Ma'am Maglinte nalang. Huhuhu..wala talaga. Ayuko ng reporting sa social studies. Kasi ako yung nagrereport. x_x. Oh well...cguro self-study nalang. Kaya ko to!
Sana walang quiz ngayon. Ayuko rin ng kumukuha ng special test. Buti walang Trigo, kasi super naguguluhan ako nun. Tigok ako pagnakaabsent sa Trigo ng isang araw. Huhuhu.
Ayuko na talagang umabsent. At ayuko na talaga ng reporting. Lalo na kung nakakatakot yung teacher. Si Ma'am Esguerra kasi, parang napipilitan lang ngumiti sa klase namin. Mukha talaga siyang terror kahit itago nia, kasi obvious.
Anu ba tong school year na to... ang pangit ng teachers, tapos may problema pa ko sa section. errrr... no comment na nga.
No comments:
Post a Comment