Monday, May 22, 2006

ako'y pilipino. sa isip, sa salita, at sa gawa. PROMISE!

hayyy...hanggang ngayon eh di pa rin ako makaadjust... eto nanaman ako. nagdradrama. bakit ba tuwing naiisip ko ang airport eh malungkot? napka lungkot. super. bakit tuwing pg ang isang tao eh sasakay ng airplane eh parang mamamatay na sya? hirap na hirap xa at xempre may iyakan sa pamilya. khit ako, ilang beses na ring naging emosyonal kapag nasakay ng eroplano at may ibang sasakay sa eroplano (na syempre labwans ko).


hanggang ngayon nga, pilit ko pa ring inaadjust ang sarili ko. unang una ksi, mainit sa pilipinas. pangalawa madumi sa pilipinas. pangatlo magulo sa pilipinas. pang apat nakakainis ang ibang tao dito sa pilipinas. (grabe ka naman mark. binugbog mo na ang pagkapilipino mo). hindi ko alam kung kanino ko isisisi ito. pero ngayon napagtanto ko na ang rason kung bakit mga intsik lng ang nagtiyatiyaga dito. parang ang skit isipin, pero totoo. mahirap talaga tumira dito. hanggang kailan kaya ako magaadjust?? khit tatlong linggo lang ako namalagi sa australya, tunay kong nalaman na meron clang ipagmamalaki. ang lahat ng kabaligtaran sa atin. ewan ko talaga.



nung bumaba ako sa eroplano, kitang kita palang ng lagusan eh pumangit na ang aking pakiramdam. ang pangit ng ating paliparan. sa totoo lang. hindi man lamang nila ginastusan na lagyan ng erkon ang NAIA o sabi nila Internasyunal na Paliparan ng Maynila. Mainit na nga, mabagal pa ang pag-usad sa imigrasyon. Hindi rin mahigpit ang seguridad. Walang X-ray ang customs. Pagkalabas ko, anu pa nga bang aabutan, eh di mainit at matinding trapiko.


pagkatapos nga pala nito, kinabukasan, inilagi ko ang aking mainit na ulo sa Alabang Town Center para ito'y lumamig. Ngunit sa aking pagkadismaya ang Da Vinci Code pala rito'y R-18! Walang buhay to oh. Bumili na lang ako ng pelikulang Schindler's List para naman may gawin ako kinabukasan.


Kinabukasan eh pinanuod ko ito. Kahit hindi malinaw, buti nlang eh may alam akong kaunting impormasyon tungkol kay Schindler. Maganda ang pagkakagawa. Kinilabutan ako sa Holocaust. Grabe.
Hanggang dito nalang. Nagaadjust pa ko eh. LOL

No comments: